O, Ano?
O self, ano nga ba ang gagawin mo sa pera mo? (Naks, parang ang DAMI kong natatanggap. Ilusyonado.)
**back to rant**
Napakaraming kayang gawin/bilhin ng perang nakukuha mo bawat dalawang linggo…
1) Comics
At nagkulang ka na nga ba sa pagbili ng comics, ano? Araw-araw kang uuwi at may dalang supot na galing Gateway tapos di mo man lang mabasa pa lahat yan. Di nga lang yung mga collected, pati pa yung mga monthly bumibili ka, tapos sasabihin mo kelangan mo pang bumili ng comics?!? (Actually, maganda yung All-Star Superman no?)
Well, pareho lang naman sa libro di ba? Ayos ka na pag nag-retire ka, marami kang babasahin hanggang sa araw na matigok ka tapos gumulong ka na lang sa sahig na nakalawit yung dila mo tsaka tumutulo na lang yung laway mo.
2) Bagong laro sa PS2 o kaya sa DS
Wala pa ring Mario Hoops, kaya pahinga muna siguro? Wala pang lumalabas na sulit para sa 2K-4K na gagastusin mo para sa isa (isa!) lamang na bala ng PS2 o kaya DS, ano? Yun nga lang, pucha, mukhang ok yung Guitar Hero. Baka nga lang mabulabog ko ang kapitbahay…
Tsaka wala pang Wii e. Baka kelangan proceed muna sa No. 5 bago yan…
3) Packs ng Magic o kaya entrance sa Sealed
Nakaka-engganyong mag-laro ulit e, nandun pa rin yung interes ko sa laro. Ganda pa yung bagong set.
Tsaka makulay siya.
Makulay.
4) Damit
On sikan tot, marami pa akong ibang isyu sa buhay maliban sa kung ok lang na pare-pareho yung sinusuot ko bawat linggo. Hindi siya dapat kasama sa listahan. Pero pwede ko siyang gastusan kasi minsan maarte nga naman ako.
5) Ipunin
Oo nga naman. Nagtapos ka na rin lang sa Management di ba, tama rin lang na i-manage mo yung pera mo. Ilagay sa tamang paglalagyan, palaguin, gamitin sa makabuluhang bagay (na magdadala pa ng mas maraming pera, at pera pa mwahaha).
Pero hindi siya ganun kasaya sa oras na ito kesa gastusin siya di ba? Maliban na lang kung nag-iipon ka para sa mga mas malalaking bagay na naaayon sa 1 to 4…
Ang hirap no? Kung tutuusin, kaunti na lang din ang naiiwan sa iyo bawat dalawang linggo dahil sa mga regular na gastusin, pero ang lakas mo pa ring gumastos. Oo nga naman at kelangan mo rin namang maging masaya, pero paano na kung kahit meron ka nyan at di ka pa masaya? Ano na ang gagawin mo?
Alam mo namang hindi lang pera ang mahalaga sa buhay mo, pero ang sakit lang kasi na lahat ng bagay na nakakatulong o nagkukunwaring nagpapasaya sa iyo ay may karampatan pa ring perang kinakailangan galing sa bulsa mo.
Sino ba ang putanginang iyon na nag-imbento ng pera ha? At kelan nga ba ako mananalo ng Lotto? I demand answers.

